Loob at labas ng Kamara sinuri na para sa SONA

NAG-IKOT na sa loob at labas ng batasan Complex ang mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG) bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na ikatlong State-of-the-Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sinimulan ang inspeksyon kaninang alas 10:00 ng umaga ng mga miyembro ng PSG simula sa plenaryo ng Kamara at sa paligid nito gayundin sa labas ng gusali upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng pangulo sa SONA sa Hulyo 23.

Sinabi ni Oscar Curitana, supervisor ng House Legislative Security Bureau ng Kamara na inirereklamo ng PSG ang kawalan ng kaayusan noong nakaraang SONA kung saan nadumog ang pangulo dahil pinayagan umanong makapasok ang mga taga-media sa restricted areas.

Kabilang din sa mga ininspeksyon ng PSG ang parking area sa harap ng plenaryo at rear entrance kung saan dadaan ang pangulo papasok ng session hall.

Samantala, ang mga opisyal at empleado ng Kamara ay patuloy na rin sa paghahanda para sa darating na SONA mula sa mga janitor sa paglilinis sa loob at labas ng Mababang kapulungan ng Kongreso.

Masusi rin ang ginagawang paglilinis sa loob ng session hall, gayundin ang mga palikuran.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply