Loren di puwedeng candidate ng LP, UNA

HINDI pwedeng common candidate si Sen. Loren Legard ng koalisyon ng Liberal Party, Nacionalista Party at Nationalist People Coalition (NPC) na kandidato din ng United Nationalist Alliance (UNA), ayon kay Sen. Franklin Drilon nitong Biyernes.

“I would like to make it clear, there is no common candidate. Kung sinuman ang kandidato ng UNA, ay kanila pong kandidato iyon. Ang kandidato ng administration, ng LP coalition ay yan po ang kaning kandidato,” ayon kay Drilon.

Sinabi pa ni Drilon na hindi makapapayag ang administration party na pinamumunuan ni Transportation and Communications Secretary Manuel “Mar’ Roxas III na magsalita ang kanilang kandidato sa entablado ng kalaban at lumahok sa mga campaign sorties.

“Hindi po kami papayag na sa dalawang entablado po tatayo ang aming kandidato. Dahil ito naman po ay ang pagsuporta sa kasalukuyang administration, ang policy ng administration ang aming plataporma – ang tuwid na daan ang aming plataporma,” paliwanag niya.

“So, iyon po ang policy, walang common candidate,” giit ni Drilon.

Nauna nang inamin ni Drilon na may nagaganap na usapan sa pagitan ng kanyang partido at Nacionalista Party ni Sen. Manny Villar at NPC ni Danding Cojuangco, tiyuhin ni President Benigno Aquino III.

“Hindi yung coalition po namin, yung LP at NPC, pero sila ang ka-coalition namin sa Liberal. Wala din naman akong alam na may coalition sila (NPC) sa UNA. Ang UNA naman PMP, yun pong PDP-Laban, yun ang basically kanilang coalition,” paliwanag pa niya.

Kaya, sinabi ni Drilon na hindi nito malaman ang kanyang isasagot sa pagkakalista ni Legarda sa senatorial slate ng UNA sa kabila nang koalisyon ng LP sa NPC.

“Hindi ko alam. Puwede naman maglista kahit sino eh. Kung sa listahan lang naman. Di naman to una-unahan. Kung ang paniwala  is based on the party platforms, she or he will be in,” patapos ng senador.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply