‘Lorenzo’s Time’ nakapaninindig-balahibong talaga!

AYON sa aming nasagap na balita o tsimis, ang mag-inang sina Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez ay nagsamapa diumano ng TRO upang mapahinto sa airing ang Paparazzi Showbiz Expose’ na kung saan sinasabi ng huli na siya’y nabastos o binastos sa araw pa mismo ng kanyang kaarawan noong nakaraang June 23. Dahil lamang sa isang segment kung saan merong bulungang tanong na kung tutuusin ay pwede o hindi naman ito sagutin at nasa kanya lamang ang kasagutan kung kanyang ilalahad sa publiko ang malisyosong tanong.

Sa totoo lang, wala kaming nakikitang mali sa segment na yun. Ang dami ngang natuwa sa naturang gimmick ng Paparazzi. Si Ruffa lamang daw ang nagbigay ng malisya sa tanong na ibinulong ni Mr. Fu. Kaya nga ang dami ring nag-react sa inasal ng TV host/actress. Offensive raw ang sinabi nitong basura ang naturang show.

Bakit, hindi ba n’ya alam na ilang buwan na siya sa nasabing show para sabihin n’yang isang basura ito?

Kung gano’n isa na rin syang basurang matatawag dahil kasama s’ya sa mga host nito (Kaya nga siya nag-resign, Manny, ay dahil sa hindi na niya masikmura ang mga offensive quesions na ibinulong  sa kanya. Masyadong personal in nature ang katanungan na hindi talaga ma-take at masikmura ni Ruffa! – Ed).

May nagsabi sa amin na marahil daw, itong si Ruffa ay nais lamang daw na magpataas ng talent fee n’ya sa naturang show(Money has never been an issue in as far as Ruffa’s concerned. Na-offend lang talaga ang kanyang sensibilities sa mga katanungang ibinulong sa kanya! – Ed).

Siyempre nga naman, kapag nakipag-ayos ang management ng  TV5 o ang Executive Producer nito, ay maaaring hilingin ni Ruffa na maaari lamang s’yang bumalik sa show kung tataasan ang kanyang talent fee.

***

Love team nina Zaijan at Carmina, bidang-bida sa ‘Lorenzo’s Time!’

KAKAIBANG ‘love team’ ang hatid ng Kapamilya child wonder Zaijan Jaranilla at batikang TV host-actress na si Carmina Villaroel sa pinakabagong Primtime Bida teleserye ng ABS-CBN na ‘Lorenzo’S Time’. Iikot ang kuwento sa batang si Lorenzo na may sakit na progeria, isang pambihirang genetic condition kung saan nagmumukhang matanda ang isang bata.

At upang mapahaba ang kanyang buhay, kinakailangan isailalim siya sa proseso ng cryonics, hanggang makahanap ang kanyang mga magulang ng lunas sa kanyang sakit. Paglipas ng 30 taon, muling nagising si Enzo para harapin ang katotohanang marami nang binago ang panahon, kabilang ang kanyang pamilya at ang kaisa-isang babaeng iniibig niya.

Bahagi rin ng bagong teleserye sina Ms. Gina Pareno, Joel Torrer, Alfred Vargas, James Blanco, Rommel Padilla at si Ms. Amy Austria-Ventura. Kasama rin sina Tess Antonio, Kakai Bautista, Gerald Acao at Vino Martinez. Itatampok rin sa ‘Lorenzo Time’ ang batang si Belle Mariano.

Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jerome Chavez Pobocan at Tots Mariscal Sanchez.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply