Lorna T pinasariwa ng stem cell treatment!

MISTULANG bagong tao ngayon si Lorna Tolentino. Kauuwi lang niya galing Germany para sa isang stem cell treatment.

Kaya nga grand press launch ng TV5’s 5-Star Prime last Tuesday night ay iisa ang tanong ng lahat sa aktres at ito ay ang tungkol sa katatapos lamang na stem cell therapy niya sa Germany.

Hindi naman naging madamot si LT sa pagkukuwento and even proud to say na instantly ay nawala agad ang kanyang back pains after undergoing the said treatment.

Last July 3 nang magpa-stem cell ang aktres sa Germany and mainly dahil nga sa kanyang sakit na scoliosis kaya niya naisip na sumailalim sa ganitong klaseng proseso. Bukod dito ay mayroon pa raw siyang vertigo at iba pang sakit na nararamdaman.

Ayon kay LT, four days lang siyang nag-stay sa hospital. Sa first day ay in-interview daw muna siya tungkol sa kanyang health history, then on the second day, ang mismong procedure na napakasimple lang, tinurukan daw siya ng 10 injections and that’s it.

Wala raw siyang sakit na naramdaman at mas masakit pa raw ang kagat ng langgam.

Sa ika-third day ay bed rest and and the 4th day ay pwede nang lumabas ng hospital. Ganu’n lang daw kasimple.

Kung dati raw ay sobrang tindi ng kanyang back pains, ngayon daw ay wala na ito.

“’Ýung back pain talaga ang instant na nawala agad. Dati, ’pag lumalakad ako nang konting malayu-layo lang, pinupukpok ko na ýung dito (gilid ng legs) ko, mayroon na siyang pain dito, nagna-numb na papunta na sa baba. So ngayon, wala na as in,” kuwento ng aktres.

Hindi pa raw niya masasabing 100% ang positibong resulta dahil after 3 months pa raw niya malalaman kung nag-work ang lahat ng itinurok sa kanya pero aniya, supposedly, lahat daw talaga ng kanyang sakit ay mawawala so hopefully ay ganu’n daw talaga ito ka-effective.

Sinasabi ring mahal ang pagpapa-stem cell at umaabot daw ito ng P1M pero ayon kay LT ay hindi raw niya alam ang presyo dahil masuwerte raw siya na may sumagot ng gastos sa kanya.

“I’m so blessed that the executive consultant, Joey Santos, ay nilibre ako para sa Villa Medica (the hospital). Mabait sa akin si Lord,” sey niya.

Kasabay ni LT na nagpa-stem cell ay ang manager na si Manay Lolit Solis at si Wilma Galvante (ang bagong TV5 executive).

Nagkabiruan nga kung ang pinagamot ba ni Manay Lolit ay ang pagiging hyper niya o baka nga mas naging hyper pa siya ngayon.

“Well, magiging energetic ka talaga dahil ire-rejuvenate niya lahat ng organs mo, eh,” sey ni LT.

Pero sa totoo lang, ewan kung epekto ba ng stem cell, kapansin-pansin na parang may pagbabago na sa aura ni LT. Parang bumata na nga siya agad tingnan at parang glowing ang kanyang skin.

Samantala, kasama si LT sa isa sa mga bagong primetime programs ng TV5 na Third Eye na isang suspense-thriller na magsisimula na sa July 29 with Eula Caballero, Daniel Matsunaga, Victor Silayan, Clint Gabo, Jenny Miller and Eddie Garcia.

Kasama rin si LT sa Artista Academy at isa siya sa mauupo bilang Live Exam Critics tuwing Sabado along with Gelli de Belen. Ang nasabing reality show ay iho-host naman nina Marvin Agustin at Cesar Montano na mapanonood gabi-gabi pagkatapos ng Wil Time Bigtime.

Speaking of stem cell, dumating na rin ang King of Talk na si Boy Abunda mula sa Germany kung saan ay ipina-therapy rin niya ang kanyang ina na si Nanay Lesing. Ito ang tatalakayin ng TV host ngayong Sabado (Hulyo 21) sa The Bottomline With Boy Abunda  —  ang katotohanan sa likod ng sumisikat na medical breakthrough na ito.

Sa tulong ng urologist ng National Kidney Transplant Institute na si Dr. Dante Dator, tuklasin ang dahilan kung bakit maraming tao, kabilang na ang mga sikat na political figure at showbiz personality, ang gustong subukan ang stem cell therapy.

Paano ba ginagawa ang nasabing treatment? Gaano ba ito kaepektibo? Stem cell therapy na nga ba ang hinihintay na lunas sa matitinding sakit ng mga tao tulad ng HIV at cancer?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply