Lovi Poe at Jake Cuenca, super deny pa, buking naman!

PINAGMASDAN namin nang magkatagpo ang mga mata nina Lovi Poe at Jake Cuenca sa story conference ng bagong indie film na ididirek ni Joel Lamangan at bida ang dalawang sinasabing love birds ngayon.

Kita namin ang kinang ng kanilang mga mata at halatang more than friends talaga ang kanilang relasyon. Pero kapag ini-interview ang dalawa, friends lang daw sila sapul nang magkasama sa My Neighbor’s Wife last year under Regal Films.

Ani Lovi: “Long friends ko na si Jake. Natuwa nga akong muli kaming magkakasama sa movie. Masarap siyang katrabaho, talagang professional.

Natuwa nga ako’t tinanggap niya ang Lihis na isang indie.”

Si Jake naman ay mabilis na sumagot: “Bakit ko naman ‘di tatanggapin ang Lihis, eh, kasama ko muli si Lovi? Magaling at very gorgeous actress para sa akin. Bukod pa si Direk Joel (Lamangan) ang director at si Ricky (Lee) ang sumulat ng script.”

Speaking of Ricky Lee, sinulat niya ang script noon pang 2006 pero ngayon lang isasalin sa pelikula na tampok na bituin nga sina Lovi, Jake, Baron Geisler, Gloria Diaz, Alex Castro at si Isabelle Daza in her first movie ever.

Samantala, inamin ni Jake na bilang magkaibigan ay lumalabas sila paminsan-minsan ni Lovi kapag parehong free ang kanilang mga oras. Wala naman daw magagalit sa kanya at kay Lovi dahil pareho silang single ngayon.

Tinuran pa ni Jake na sooner ay malalaman din ng press ang love life niya. Sa ngayon, ibig lang niyang mag-concentrate sa kanyang career. Gusto niyang mapag-ibayo pa ang talent niya sa pag-arte. Maging director si Joel Lamangan ay malaking hamon na rin sa kanya. Kilalang respetadong director kasi ito at disciplinarian.

Sabi nga ni Lovi, kakaiba ang movie kung saan ang makaka-triangle nila ay si Baron. Isang gay NPA si Baron na na in love kay Jake. Ibang characterization ang gagawin ni Lovi sa movie na ibang-iba sa My Neighbor’s Wife. Dito sexy-drama movie. Bagkus, isang acting vehicle ito sa mga kasamang artista.

Bale period movie ito na nangyari pa noong 60s, ang kasagsagan ng NPA sa bansa.

***

PUMUNTA si Direk Maryo J. delos Reyes sa first Sining Pinoy Festival na ginanap sa Davao City. Siyempre, pakay niya ay para suportahan ang first indie film ng bago niyang protégé na si Celio Aquino na may markadong role sa pelikulang Qwerty.

Isa sa entries ang Qwerty na bida si Joem Bascon. Tungkol ang istorya sa madalas na snatching ng mga cellphone sa daan. Set ng movie ay ang Tondo, Manila.

Free pang um-attend ng mga local at international film festivals si direk dahil hindi pa siya nagsisimula ng bagong soap niyang may titulong Sana Dalawa ang Puso Ko sa GMA7 kung saan tampok ang muling tambalan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica, kasama si Rhian Ramos.

Bago pa ang soap opera ni Direk Maryo J, maaaring masimulan na rin niya ang first movie na pagtatambalan nina Marian Rivera at Coco Martin.

Pagkatapos mag-judge ng Mutya ng Palawan, pumunta naman si direk sa Davao City. Enjoy muna ang award-winning at top-rating soap director sa pagbabakasyon pagkatapos ng mahigit na isang taong pagdidirek ng dalawang top rating soaps, ang Munting Heredera at Biritera.

***

SI DIREK Joel Lamangan ay naka-schedule na magkaroon ng speaking engagement sa July 7 sa San Francisco, California para sa mga kababayan niyang taga-Cavite City.

Bale fiesta ito ng mga taga-Cavite City na Pinoy na isini-celebrate taon-taon doon. Napili nilang guest speaker sa okasyon ay si Direk Joel.

Bale humingi lang ng ilang araw na bakasyon si Direk set ng Enchanted Garden, ang pinakabagong primetime soap ng TV5 na tampok si Alex Gonzaga sa title role and ably supported nina Alice Dixson, Zoren Legaspi, BB Gandanghari, Ruffa Gutierrez at Rufa Mae Quinto.

Balitang may playdate na ang Enchanted Garden sa July 16 sa TV5.

Bukod sa taping ng Enchanted Garden, isisingit ni Joel ang pagdidirek ng Lihis. Kaya lagare ang award-winning director sa kanyang trabaho.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply