LPA nananalasa sa S. Luzon, Visayas

NANANALASA ngayon ang low pressure area (LPA) sa kalupaan ng Pilipinas na siyang dahilan ng magdamag na pag-ulan sa Southern Luzon at bahagi ng Visayas.

Sa pinakahuling bulletin ng PAGASA, namataan kaninang alas-dos ng madaling araw ang sentro ng LPA sa layong 30 kilometro sa hilaga ng Ambulong, Batangas.

Ayon pa sa PAGASA, asahan ang maulan na maghapon ngayon sa Timog Luzon, kabilang na ang Metro Manila, Batangas at lalawigan ng Quezon at iba pang bahagi ng Southern Luzon maging sa bahagi ng Visayas dahil sa naturang sama ng panahon.

Naitala kanina ng PAGASA ang 22.9 millimeter per hour na buhos ng ulan sa Quezon City na nagdulot ng pagbaha sa mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila.

Nagbabala ang PAGASA laban sa patuloy na mga pag-ulan na maaaring magdudulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa mga apektadong lugar.

Sinabi pa ng PAGASA na bukas inaasahang makalalabas na sa Pilipinas ang sama ng panahon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply