LPA, posibleng maging bagyo

NAGBABALA ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration  (Pagasa) sa mga residente sa Kanlurang bahagi ng Luzon na maging handa sa pag-ulan sa mga susunod na araw.

Ang babala ng Pagasa ay kasunod  ng namataang shallow low pressure area (LPA) sa bahagi ng Palawan.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang naturang sama ng panahon sa layong170 kilometro ng Puerto Princesa.

Una na ring iniulat ng Pagasa na posibleng maging bagyo ang nasabing sama ng panahon na siya ring magdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.

Kasabay nito ay pinayuhan ng Pagasa ang taumbayan na palaging magdala ng payong dahil mapapadalas ang pag-ulan sa hapon o gabi ngayong linggo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply