LPA sa Mindanao papasok sa bansa

ISA pang low pressure area ang namataan sa layong 930 km ng Silangan ng Mindanao na malaki ang posibilidad na makapasok sa bansa.

Ayon sa PAGASA, inaasahang bukas ng umaga papasok sa Philippine area of responsibility. Ngunit kung sakaling bumilis ang nasabing LPA ay maaaring makapasok ito sa mamayang gabi.

Inaasahang pag-iibayuhin ng LPA ang Hanging Habagat na siyang nagpapaulan sa Luzon kabilang na ang Metro Manila, Bicol Region, Mindoro, Marinduque at Northern Visayas, Boracay, Romblon at Calamian group of Island.

Sa oras na maging ganap na bagyo ang nasabing LPA sa loob ng teritoryo ng Pilipinas ay tatawagin itong bagyong Gener.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply