LPA warnings ng PAGASA isaayos – JV

INUDYUKAN ni San Juan Rep. JV Ejercito ang Philippine Atmospheric Geo-Physical Astronomical Service Administration (PAG-ASA) na isaayos ang Low Pressure Area (LPA) warnings upang hindi na magkagulo sa pagsuspinde ng klase kasunod sa naging kaganapan sa suspension ng klase kahapon, Martes, Hulyo 3.

Binigyang diin ni San Juan Rep. JV Ejercito na kung may pamamaraan ang PAGASA sa pagtukoy sa lakas ng hangin at rain volume at sa pagklasipika ng bagyo ay dapat ding magkaroon na ng paraan sa pagtukoy sa LPA base sa rain volume at dark cloud coverage.

Sinabi pa ng mambabatas na ang kasalukuyang ginagamit ng ahensiya na LPA warnings ay luma at problemado.

“Climate change is already evident that’s why PAG-ASA needs to modify its warnings. We can’t have another Ondoy, which was categorized as a Tropical Depression, especially that risks of moderate to heavy rains now include massive flooding, damage in properties, and landslides. PAGASA now needs to update its methods based on rain volume and strength,” paliwanag pa ni Ejercito.

Iminungkahi ng kongresista na bigyan ng kopya ang LGUs ng modified LPAs upang magamit na basehan sa suspension ng klase at pagtantiya sa laki ng sira dala ng ulan sa lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply