LP, NP magsasanib pwersa vs UNA

NAGING matagumpay ang usapan sa pagitan ng Liberal Party (LP) at Nacionalista Party (NP)  sa napipintong pagsasanib puwersa ng dalawang partido na babangga sa nabuong kwalisyon ng partido nina dating Pangulong Joseph Estrada at Vice President Jejomar Binay na United Nationalist Alliance (UNA).

Sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III na bahala na si LP president Mar Roxas ang mag-anunsyo ng nasabing pulong sa pagitan ng dalawang partido.

“I think the talks were very, very successful. But I will leave it up to our party President, Mar Roxas, to make the appropriate announcements,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Hindi naman nagbigay ng kahit na anumang detalye ang Pangulong Aquino sa naging pag-uusap naman sa pagitan ng Nationalist People’s Coalition (NPC) at NP.

Sa ulat, aminado ang Liberal Party (LP) na hindi nito makukumpleto ng sariling mga miyembro sa partido ang senatorial line-up ng administrasyon sa darating na 2013 midterm elections.
Ayon kay LP senator Franklin Drilon, hindi magkaroon ng monopolya sa linyada ng administrasyon kaya’t bukas sila sa pakikipag-usap para sa alyansa sa ibang partido.
Katunyan kinumpirma ng senador ang nagpapatuloy na ang usapan sa pagitan ng LP at iba pang partido, gayunman tumanggi si Drilon na idetalye kung sino-sino ang kausap ng administrasyon party.

“There are a number of coalition talks going on. I am not at liberty to reveal them. In reality, we cannot have a pure LP slate. We do not have a monopoly of politics. So, we will have coalitions with the number of political parties. Talks are going on,” ang pahayag ng senador.

Matatandaang ang ulat na kabilang sa makikipag-alyansa sa administrasyon ay ang partido ni Sen. Manny Villar na Nacionalista Party (NP) kung saan tatakbo ang kanyang maybahay na si dating Rep. Cynthia Villar bilang senador at Nationalist People’s Coalition (NPC).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply