LTFRB board member Iway, nagbitiw sa tungkulin

NAGSUMITE ng kanyang liham ng pagbibitiw kay Pangulong Benigno Aquino III  si Board  member Atty. Manuel Iway ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos pumutok ang kontrobersiya kaugnay sa pagbuhay sa prangkisa ng nagsarang Pantranco Bus Line Co.

Ayon kay Iway naging laman siya ng ilang pahayagan kabilang ang kanyang kasamahan sa board na si Engr. Samuel Garcia kugnay sa desisyon nila pabor sa pagbibigay ng prangkisa sa mga empleyado na pag-aari ng Pantranco base sa utos ng Court of Appeals ngunit minasama ito at inilabas na isang katiwalian at anomalya ng media.

Noong una aniya ay hindi niya pinansin ang mga panawagan ng mga nanggagalaiting mga public transport operators hinggil sa kanyang pagbibitiw dahilan lamang sa hindi niya pagpabor sa halos oras oras na kahilingan sa mga fare hikes kapag tumataas ang presyo ng produktong petrolyo, maliban pa sa mga natatanggap niyang death threats .

Nagsilbing hamon din, aniya, sa kanya ang naging hamon ni Sec. Manuel Roxas ng Department of Transportation and Communications (DoTC) na magsipagbitiw ang mga opisyal ng LTFRB na sangkot sa pagbuhay sa patay ng prangkisa ng Pantranco.

Aniya, ang desisyon nilang dalawa sa board ay ibinase lamang nila sa naging desisyon ng korte para na rin sa kapakanan ng mahigit 2,000 mga natanggal na trabahador ng kumpanya kung saan ilan sa kanila ay mga namatay na at ang ilan ay  mga matatanda na.

Kasunod nito humingi ng paumanhin sa Pangulo si Iway dahil sa mga naglabasang ulat sa media sa mga akusasyon na sila’y tumanggap ng pera sa kuwestiyunableng desisyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply