Lugar ng kanonisasyon ni Calungsod gawing heritage site

NAIS ng Simbahang Katoliko na maideklarang heritage site ang lugar kung saan isasagawa ang national celebration para sa kanonisasyon ni Blessed Pedro Calungsod.

Kaugnay nito, nagpadala na ng liham sina Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Cebu Archbishop Jose Palma, at retired Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal, kay Cebu City Mayor Michael Rama para maipaabot ang kanilang kahilingan at pasasalamat sa pagpayag nito na gamitin ng simbahan ang naturang lugar para sa kanilang aktibidad.

Tinutukoy ng mga naturang church leaders ang “template” sa 27-hektaryang South Road Properties (SRP) kung saan magdaraos ng isang Banal na Misa sa Nobyembre 30.

“To forever etch in the hearts and minds of every Filipino the significance of our thanksgiving activity, may we request the city to declare the location of the template as historical site,” bahagi ng liham.

Ayon sa mga church leaders, ang hakbang ay makatutulong sa mga tao sa pag-alala kung paano nila pinasalamatan at ipinagdiwang ang pagiging santo ni Calungsod, na napakahalagang milestone sa archdiocese ng Cebu.

Nabatid na ang naturang template ay isang 1,200-sq.m. na istruktura kung saan ang misa at iba pang  spiritual activities ay isasagawa bilang parangal kay Calungsod, na magiging santo na, kasunod ng kaniyang kanonisasyon sa Vatican City sa Oktubre 21.

May isang milyong kalahok ang inaasahang dadalo sa selebrasyon kabilang na ang mga local at dayuhang dignitaries at mga lider ng simbahan.

Ayon sa mga organizer ng pagdiriwang, ang template ay gawa sa mga indigenous materials.

Mayroon itong sanctuary, altar at iba pang ecclesiastical elements sa pagtatayo ng isang simbahan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply