Luis isinugod sa hospital: Ate Vi nag-panic!

HINDI nakadalo si Governor Vilma Santos sa block screening ng The Healing sa Trinoma Cinema 2 last July 26 dahil isinugod nito sa hospital ang panganay na anak na si Luis Manzano sanhi nang pabalik-balik na pagtaas ng lagnat. Tanging si Kim Chiu lang ang nagpunta sa screening na sponsored ng Vilmanians at Kim Chiu Global.

Habang isinusulat namin ito ay sasailalim si Luis sa CT scan para malaman ang dahilan ng napakataas na lagnat nito na umaabot ng 40 degrees.

Samantala, humamig ng P12 million ang kita ng The Healing sa first day showing nito, at patuloy pa itong nakikipagtalbugan sa pahabaan nang pila sa katapat nitong Hollywood film na Dark Night.

Sa huling report na natanggap namin, mas domoble ang nanonood ngayon sa suspense-thriller movie na ‘to ni Gov. Vi dahil naging word-of-mouth ito at nag-trending topic pa sa internet dahil sa ganda at galing ng mga artista sa pinaka-latest project na ‘to ng Star Cinema.

***

Abangan mo ito Gerald..
Mommy Divine at Mang Delfin magsasalita na

MATAPOS ang mainit na pinag-usapang guesting ni Gerald Anderson noong nakaraang Linggo, may ‘Family Night’ ngayong Linggo, Hulyo 29, si Sarah Geronimo kasama ang kanyang mga magulang na sina Mommy Divine at Daddy Delfin sa solo musical variety show na “Sarah G. Live!”

May kaabang-abang na musical number dito Sarah at ang kanyang daddy, samantalang makaka-one-on-one naman ng Popstar ang kanyang Mommy Divine sa isang mapusong interview kung saan pag-uusapan nilang mag-ina ang ilang ‘hot topics’ na tiyak na inaabangan ng fans.

Finally ay malalaman na rin nang lahat ang tunay na damdamin ng kontrobersiyal na nanay tungkol sa pakikipagrelasyon ng kanyang dalaga kay Gerald. Tatanggapin na kaya nito ang binata o tatalakan lang sa ere? Hahaha!

***

Janice, Carmina, Joey at Ogie pinagkakatiwalaan

KAPAG mataas ang rating ng isang talk show, ang ibig sabihin nito, pinagkakatiwalaan ng publiko ang host sa kanyang mga sinasabi at dagdag sahog na lang dyan ang presentasyon ng programa. Ito ngayon ang nangyayari sa Showbiz Inside Report na ang mga hosts ay sina Janice de belen, Carmina Villaroel, Joey Marquez at Ogie Diaz. Nagsimula sila sa mababang rating hanggang sa tumataas nang tumaas at lampasan na nito ang mga katapat na show.

Imagine, nilalampaso na nila ang show sa kabilang istasyon gayong matagal na itong umiere.

At balitang malapit na rin tigbakin ang ilang host nila upang makahabol sa mga host ng SIR na epektibo at matatalino sa paglalahad ng mga balitang showbiz at sa likod ng mga kontrobersiya.

Magagaling ang batuhan ng opinyon at kuro-kuro nina Janice, Carmina, Joey at Ogie sa SIR bagay na wala sa iba na puro batian lang.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply