Lungsod na may No Plastic Policy ‘di binaha

IKINATUWA ng ilang alkalde sa Metro Manila ang resulta ng kanilang “No Plastic Policy” ng hindi na makaranas ng pagbaha ang kanilang mga nasasakupan sa pagbuhos ng malakas na ulan noong isang araw (Hulyo 3).

Ayon kay Muntinlupa Mayor Aldrin San Pedro, hindi na basta nagbabaha sa kanyang lungsod ngayon kumpara noong panahon na hindi pa niya ipinatupad ang No Plastic Policy o City ordinance 10-109 , na nagbabawal sa paggamit ng mga plastic at styrofore sa mga tindahan na nagbebenta ng mga dry goods.

Aniya ang mga plastic umano ang siyang nagbabara sa mga estero, mga kanal, tatlong creek at 11 ilog ng lungsod kung saan ang mga basura ay natatangay hanggang sa Laguna Lake na magdudulot ng panganib sa kalikasan.

Sa Las Piñas City, mabilis na bumaba ang mga tubig-baha dahil na rin sa City Ordinance 1036-11 na nagbabawal sa paggamit ng mga plastik sa lahat ng establisimyento sa lungsod. Nagpakalat din ang lungsod ng “anti-plastik pulis” na umiikot sa mga tindahan at mga mall upang i-monitor ang seryosong pagpapatupad ng batas.

Ayon kay Mayor Nene Aguilar, kailangang seryosong ipatupad ang kampanya sa kanilang No Plastic Policy na kanilang in-adapt sa katabing lungsod na Muntinlupa matapos makita ang positibong pakinabang na dulot nito.

Nagpahayag naman ang Makati at Taguig na guguhit din ng katulad na plano na kanilang ipatutupad upang maiwasan ang pagbaha sa kanilang mga lungsod.

Ipatutupad sa 2013 ng Metro Manila Development Authority ang Metrowide No Plastic Policy na sasakop sa 16 na lungsod ng Metro Manila at ang nag-iisang munisipalidad ng Pateros.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply