Mabuhay ang Iglesia ni Cristo

PATULOY ang pagliligtas ng Iglesia ni Cristo (INC) sa mga naliligaw ang landas at sa kanilang ika-98 taong anibersaryo ay kitang-kita ang pagyabong ng nasabing KAPATIRAN na talaga namang naglilingkod at nagseserbisyo ng tapat sa Diyos at sa bayan.

Nasilayan din natin sa mga naging pinuno at kasalukuyang pinuno nito ang determinasyon para maiangat ang katayuang espirituwal ng isang kapatid magmula noong ito ay itayo ni Kapatid Felix Manalo noong July 27,1914 sa Punta, Sta. Ana, Maynila.

Isang realidad din ang ginawang “legacy” ni Kapatid Eraño Manalo, na siya namang nagpalago ng INC sa iba’t ibang panig ng mundo at siya rin ang nagpatayo ng Templo Central sa Quezon City.

Maging ang kasalukuyang lider ng Iglesia ni Cristo na si Kapatid Eduardo Manalo ay unti-unti na ring isinasakatuparan ang mga panaginip nina Ka Felix at Ka Eraño at patunay na nga rito ang Philippine Arena sa Bulacan, na kung saan ito ang tatanghaling pinakamalaking dome sa buong mundo na may kapasidad na 50,000 hanggang 55,000
katao.

Ang bagong compound ng INC sa Bulacan ay pagtatayuan ng Philippine Arena o pinakamalaking dome sa mundo at pagtatayuan din ng EGM Memorial Medical Center, EVM Convention Center, New Era University-Bulacan Campus at New Era Sports Stadium, na matatapos 2 taon mula ngayon bilang alay sa ika-100 taon ng Iglesia ni Cristo.

Hindi rin mapasusubalian ang pagsulpot o pagtatayo ng napakaraming lokal ng INC hindi lamang sa bansa kundi sa iba’t ibang panig ng daigdig dahil ang katumbas ng isang bagong kapilya ay mga kaluluwang maililigtas at maiaahon sa pagkakasala.

Patuloy rin ang Iglesia ni Cristo sa pangangalap ng mga bagong kasapi sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pamamahayag sa lahat ng lokal nito da-hil naniniwala ang kapatiran na ang lahat ng mamamayan ay anak ng Pa-nginoong Hesukristo.

Hindi lamang sa pagsasalba sa ispiritual na katauhan ng tao ang tinutukan ng INC dahil maging ang Guinness Books of World records ay napansin ang kanilang misyon sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng pinakamalaking dental and medical mission sa Parola,Tondo, Maynila.

Sa tala ng Guinness ay 3 rekord ang nasira sa 8 oras na medical mission na tinawag ng INC na Lingap sa Mamamayan nito lamang Hulyo 7 sa Tondo,Maynila, ito ay ang pinakamaraming pasyenteng nagamot sa bilang na 4,128 na dating hawak ng India sa datos 3,377 pasyente; pinakamaraming nakuhanan ng blood pressure sa loob ng 8 oras sa bilang na 8,026 na dating hawak ng Kuwait sa bilang na 7,203 at ang may 5,217 mamamayan na nabiyayaan naman ng blood glucose level test na dating ang rekord ay hawak naman ng India sa bilang na 3,573.

Tiyak na lalo pang lalago ang KAPATIRAN hindi lamang sa ‘Pinas kung hindi sa buong mundo at iyan ang ating inaasahan dahil sa magandang pamamalakad ni Kapatid Eduardo Manalo na walang tigil sa pagpapalawak ng Salita ng Diyos at pangangarap rin ng mga makabuluhang proyekto na kapaki-pakinabang sa kapatiran at sa mamamayan.

Kaisa n’yo rin po ang pitak na ito sa paghahanda para sa ika- 100 taon ng Iglesia ni Cristo sa 2014 na siyang dakilang araw para sa lahat ng Pilipino.

Muli po ang pagsaludo at pagbati ng pitak na ito kasama ang aking dalawang anak na si Kapitan Rovin Feliciano ng Barangay Arkong Bato,Valenzuela City at Councilor Cristina Marie Feliciano, pangulo ng Sangguniang Kabataan Federation sa Lungsod ng Valenzuela sa ika-98 pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo lalo’t higit sa kapatid na Eduardo Manalo, na walang hinangad kung hindi makaakay at makapagligtas pa ng kawan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply