Mabuhay ang KAMPIL

ISANG organisasyon ang isinilang para sa mahihirap na may layuning ipaglaban ang prinsipyo at hinaing ng mga maralita, ang Kalipunan ng Masang Pilipino (KAMPIL).

Ang KAMPIL ang magiging sandigan ng mga anakpawis ng bansa na uhaw na uhaw sa tunay na pagkalinga ng pamahalaan na lagi na lamang kinalilimutan at tinatalikuran ng mga naghaharing uri na kumokontrol sa pamahalaan.

Mahirap sa simula ang pagtatayo ng KAMPIL pero dahil sa positibong pagkakaisa para sa iisang adhikain ay makakayanan at malalabanan ng naturang organisasyon ang lahat ng mapang-aping uri na kumokontrol sa halos lahat ng negosyong umiiral at pamamayagpag sa estado.

Tututok ang KAMPIL sa lahat ng negosyanteng ganid na nagmo-monopolyo sa ekonomiya ng bansa at nagpapahirap lalo na sa mga mahihirap dahil sa pagdidikta nila ng presyo sa merkado.

Maging ang kawalan ng trabaho at oportunidad na isa sa mga problemang kinakaharap ng bansa noon at ngayon ay bibigyan ng sapat na atensyon ng KAMPIL lalo’t higit ang usapin ng kontraktuwalisasyon sa paggawa na lubhang bumaboy sa uring manggagawa.

Parami ng parami ang dukha sa estado at iyan ang ugat ng problema dahil patuloy ang mga kartel at monopolyo sa negosyo na iilang tao lamang ang naghahari magpa-hanggang ngayon.

Kasama rin ang KAMPIL sa paglaban ng estado sa teritoryo nito na siyang ipinagkaiba nito sa ibang pulahang grupo dahil halatang may diskriminasyon ang kanilang pakikibaka.

Marami pang magagandang balakin ang KAMPIL para sa bayan kaya’t tayo nang makibaka para sa tunay na ikauunlad ng ating teritoryo at para makamtan na rin ng Masang Filipino ang kaginhawaan na ilang panahon na rin na-mang nagiging mailap sa mga maralita.

###

Malaki raw ang agwat ni dating Pangulong Erap Estrada kay MAYOR FRED LIM para sa labanan sa pagka-alkalde ng Maynila. Halos kalahati raw ang hahabulin ni Lim para matalo si Erap kung ngayon gagawin ang eleksyon.

Mabigat pa rin talaga si Erap sa masa dahil alam naman kasi ng maralita na hindi sila tinalikuran at tatalikuran ni Erap kailanman.

Medyo malayo pa ang hala-lan pero mukhang malinaw na ang resulta sa Maynila dahil uhaw na uhaw na ang Manileño sa tunay na pagbabago at tunay na lingkod ng tao.

###

Para sa mga naghahangad ng pagkalinga ng pitak na ito, maari kayong mag-email sa barangayanni_isko@yahoo.com o mag text sa 09336363310.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply