Madadayang timbangan sa QC kinumpiska

MAS pinaigting pa ng Quezon City Weight and Measurement Division ang kanilang  operasyon sa pangungumpiska ng mga hindi rehistrado at madadayang timbangan na umano’y nagkalat sa mga pampublikong pamilihan at supermarkets sa lungsod Quezon.

Ayon kay QC Treasurer Edgar Villanueva dalawang beses nilang isinasagawa ang operasyon sa loob ng isang linggo sa ibat-ibang mga pamilihan para busisiin ang iba’t ibang mga tindahan kung nasa ayos at kung rehistrado at may mga selyo.

Kapag selyado aniya at may stickers galing sa pamahalaan  ang isang timbangan malinaw aniya na tumutugon sa panuntunan ang mga may-ari at nakakatiyak naman dito ang mga mamimili na tama at walang daya ang timbang ng kanyang pinamili sa isang tindahan.

Batay sa kanilang talaan , simula Enero hanggang Hulyo ngayong taon  kabilang sa kanilang nakumpiskahan ng mga depektibong timbangan ang Pure Gold , SM Robinson , Tropical Hot at Cherry Foodarama , Mega Q-Mart ,Commonwealth market at Balintawak.

Dahil dito umabot naman sa P1.2 milyong regulation fees ang nalikom ng pamahalaang lungsod sa mga may ari ng mga nakumpiskang timbangan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply