Mag-asawa niratrat, patay sa Pasig City

TODAS ang isang mag-asawa matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng isang restawran sa Brgy. Dela Paz, Marcos Highway, Pasig City, iniulat ngayon lamang.

Kinilala ang mga biktima na sina Nelda at Bienvenido Tan.

Sa ulat, paglabas ng mga biktima sa kanilang kotse na Innova (ZNT 210) ay pinagbabaril ang mga ito hanggang sa mamatay.

Inaalam pa ngayon kung may kinalaman sa negosyo o pagnanakaw ang motibo sa pamamslang.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply