Mag-asawa sabay nag-suicide

SABAY nagpatiwakal ang mag-asawang kasapi ng Saksi ni Jehova kahapon sa lungsod ng Davao base sa ulat ng pulisya ngayon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Alex Cresostomo, 40, salesman, isa sa mga opisyal ng relihiyon na Jehovas Witness at ang misis nito na si Eden Cresostomo, 20, kapwa nakatira sa Santo Niño, Matina, sa lungsod ng Davao.

Nabatid na ilang oras nang patay ang mag-asawa nang madiskubre ang kanilang bangkay sa lob ng kanilang inuupahang bahay na pagmamay-ari ng isang Jose N. Valenzuela, Sr.

Nadiskubre ang bangkay ng dalawa ng pinsan ng mga biktima na isang Cherrie Rose Incarnacion Cresostomo, 20, may-asawa, na boarder din sa nasabing bahay dakong alas-6:00 kagabi.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Tolomo Police Station sa ilalim ni P/Supt Deonesio Abude, napag-alaman na nakita ang babae na bumubula na ang bibig na nakahiga sa sahig, samantalang ang kasamang si Alex ay
nakabitin gamit ang electrical extension cord na itinali sa leeg.

Nakabihis pa ng pangsamba ang dalawa nang matagpuan ang mga ito.

Na-recover sa crime scene ang suicide note kung saan nakasaad ang paghingi nila ng tawad para kanilang nagawa subalit hindi naman nilinaw kung ano ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply