Mag-asawang Russian hinoldap, 1 sugatan

ARESTADO ang dalawang holdaper nang masukol sila ng mga barangay tanod matapos holdapin at saksakin ang isa sa mag-asawang Russian national habang namamasyal sa Roxas Boulevard, Maynila.

Nakilala ang mga biktima na sina Sergrey at Valeria Sokalova,Russian national, kapwa engineer, at nanunuluyan sa Rm.438 Riviera Mansion, Malate, Maynila.

Si Sergrey ay nagtamo ng tama ng saksak sa braso .

Naaresto naman at nahaharap naman sa kasong frustrated homicide at robbery ang dalawang suspek na sina Joel Ganadores, 34 at Janella Lazo, 46, taga B 5 L-26 Powerville, San Jose Del Monte, Sapang Palay, Bulacan.

Sa reklamo sa Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS), namamasyal umano si Sokalova, dakong alas 9 ng umaga, kasama ang kanyang misis na si Valeria, 26, engineer nang lapitan at hodlapin ng apat na suspek.

Nanlaban umano si Segrey kaya ito sinaksak bago nakuha ang dalang bag.

Gayunman,ang insidente ay nakita nang mga nagrorondang Barangay Tanod kaya rumisponde sila at hinabol ang mga suspek.

Inabutan naman ng mga tanod ang dalawa habang nakatakas naman ang dalawa pa nilang kasamahan.

Narekober naman ang bag ng mga biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply