Mag-ina patay sa lunod sa Naga

PATAY ang isang mag-ina makaraang tangayin ng rumagasang tubig sa ilog sanhi ng walang tigil na pag-uulan sa Naga City.

Kinilala ang mga biktima na sina Loudetsi Bermejo, 25, at anak na si Jessa Mae, 8.

Sa imbestigasyon, papauwi na ang mag-ina alas-9:30 ng umaga kahapon nang subukang tumawid sa ilog sa Sitio Oras Brgy. Ibayugan.

Subalit pagtawid ng mag-ina ay saka naman rumagasa ang malakas na agos ng  tubig.

Nakaladkad ang mag-ina hanggang sa tuluyang malunod.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply