Mag-ina sugatan sa rockslide sa Makati

DALAWA katao o isang mag-ina ang iniulat na nasugatan sa naganap na rockslide kanina sa East Rembo Makati City, kaninang umaga.

Ang mga biktima ay sinasabing nasa stable condition na at nilapatan ng lunas sa Ospital ng Makati..

Ayon kay Dr. Alex Mamalateo of OsMak ang dalawang biktima na kinilalang sina Jun-jun Ataiza, 2 anyos at ina nitong si Leonora Ataiza ay nagkaroon ng sugat at mga galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang gumuho ang mga bato mula sa likuran ng bahay sa 107K 7 Avenue, Brgy. East Rembo, Guadalupe, Makati City

Batay sa ulat, lumambot ang lupa na kinatitirika ng bahay ng mga biktima dulot ng patuloy na pag-ulan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply