Mag-utol, pamangkin patay sa away pamilya

PATAY ang magkapatid at isa nilang pamangkin matapos mauwi sa pamamaril ang kanilang pagtatalo habang dalawang iba pa ang nasugatan sa Quezon City kaninang hapon.

Namatay noon din sina Grace Tan y Ong, 52-anyos, negosyante, Arsenio Tan y Ong, 51-anyos at Anthony Tan Faurillo, 24-anyos, pawang residente ng No. 35-B Kabignayan St., Brgy. Tatalon, Quezon City. Sugatan naman sina Abegail Tan y Faurillo, 22 at Angeles Abante, house boy.

Matapos ang kaguluhan ay nasakote ng mga rumespondeng kagawad ng Galas Police Station 11 ang mag-aamang suspek na sina Glen Tan y Ong, 45, negosyante; Hammerson, 19 at Allanster, 18, pawang residente ng No. 35-E Kabignayan St.

Sa inisyal na impormasyong nakalap kay P/ Chief Insp. Francisco Eslao, nangyari ang krimen bandang alas-2:00 ng hapon sa bahay ng magkakamag-anak.

Hindi naman malinaw sa mga awtoridad ang bagay na pinagtatalunan ng magkakamag-anak na humantong sa krimen.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply