Magdyowa huling nagse-sex sa public pool

KULONG ang isang magkasintahan nang mahuling nagse-sex sa isang public pool sa Naga City, Albay.

Kinilala ang lalaki sa pangalang Harvy,  35, ng Baao Camarines Sur, isang law student, habang ang nobya nito ay itinago sa pangalang Karen, 27, isang nurse.

Lumalabas na lasing ang dalawa nang mag-sex sa pinagliguang public pool.

Nabatid na 2:30  kaninang madaling araw nang makita ng caretaker ng public pool na si Leonardo delos Reyes ang hubo’t hubad na magkasintahan habang nagse-sex sa gilid ng swimming pool.

Dahil dito, agad na tumawag ng pulis si delos Reyes, ikinahuli ng dalawa.

Kasong alarm and scandal ang kahaharapin ng mga dinakip.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply