Magkapatid kalaboso sa droga

KALABOSO ang magkapatid na sangkot sa illegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Urdaneta, Pangasinan.

Kinilala ang mga suspek na sina Mahid Mamayandog at Jamil Mamayandog, kapwa taga Barangay Camantiles, nabanggit na lungsod.

Nakuha sa kanilang kustodiya ang isang sachet ng shabu habang kinumpiska rin  ang isang tricycle na umano’y ginagamit nila sa kanilang transaksyon.

Nakatakda namang dalhin sa PNP Crime Laboratory ang nakumpiskang droga sa kanila habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply