Magnanakaw nadakip dahil sa kaluskos

KULONG ang isang magnanakaw nang magising ang biniktimang dalaga dahil sa kaluskos ng una sa Valenzuela City kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Melchor De Lina, 29 ng Medina St., General T. De Leon ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw, napasok ng suspek ang bahay ni Cassandra Pelino, 22, sa Arty Compound, Karuhatan ng lungsod at kinuha ang cellphone at laptop ng biktima.

Pero nagising ang biktima dahil sa mga kaluskos ng suspek at nang bumangon ay inabutan ang huli na papalabas na upang tumakas.

Hinabol ng biktima ang suspek hanggang sa makakita ng mga nagpapatrulyang pulis na kanyang nahingan ng tulong.

Hinabol ng mga rumespondeng pulis ang suspek at naabutan ito.

Nabawi ng biktima ang mga kinulimbat ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply