Magsasaka nasuwag ng kalabaw sa Cebu, utas

DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang isang magsasaka matapos suwagin ng kanyang kalabaw sa Ronda, Cebu, sa ulat ng pulsiya.

Kinilala ang biktima na si Francisco de Aquino, 56, inabot ng dagliang kamatayan dahil sa malalalim na sugat at bugbog sa katawan sa pag-atake sa kanya ng alagang damulag.

Ayon kay PO2 Pipo Asnag, desk officer ng Ronda Police Station, may hawak ng kaso, humingi ng tulong ang asawa ng biktima habang aktong sinasalakay ng kanilang alagang kalabaw ang kanyang mister subalit ng balikan nila ay nakahandusay at duguan na ang biktima.

Mabilis namang dinala sa pagamutan ang biktima ngunit namatay din.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply