Magsasakang hinihinalang biktima ng salvage, natagpuan sa Ilocos Sur

VIGAN CITY – Isang magsasaka na umano’y biktima ng “summary execution” ang natagpuan sa isang irigasyon sa Barangay San Juan, Sta. Lucia, Ilocos Sur.

Ayon sa report ng Ilocos Sur Philippine National Police, nakilala ang biktima na si Jimmy Rouis, 68, ng Barangay San Juan sa nasabing alalwigan.

Sa paunang imbistigasyon, nakipag inuman umano ang biktima sa isang kalapit na barangay.

Hanggang kinaumagahann ay hindi na  nakauwi ang biktima at natagpuan itong lumulutang na sa isang irigasyo malapit sa kanilang barangay.

Ayon sa lokal na pulis, may mga indikasyon umano na pinatay ang biktima bago ito inihulog sa irigasyon.

Patuloy na nagsasagawa ng follow-up investigation ang lokal na pulis.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply