Magtiyuhin arestado sa droga

SWAK sa kulungan ang isang 43 anyos na lalaki kasama ang kanyang pamangkin makaraang maaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operations sa Mandaue City, Cebu.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang mga nadakip na sina  Danilo Melgar, alyas Buktot at pamangkin nitong si Michael Melgar, 23-anyos, pawang residente sa  Sitio Maharlika, Barangay Tipolo, Mandaue City,Cebu.

Bago ito ikinasa ng PDEA Regional Office 7 (PDEA RO7) sa pangunguna ni Director Jigger Montallana, ang entrapment operation kay Melgar sa Barangay Tipolo matapos makipagkasundo ang suspek sa isang undercover agent hinggil sa bentahan ng dalwang sachet ng shabu.

Matapos iabot sa undercover agent ng PDEA agad inaresto ang suspek at kasalukuyan ngayong nakapiit sa himpilan ng PDEA at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), in relation to Section 26 (Conspiracy),Article II of Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply