Maita Gomez pumanaw na

PUMANAW na ang dating beauty queen at kilalang political activist na si Maita Gomez sa edad na 64.

Ayon sa ulat, hindi na nagising ang former beauty queen sa kanyang bahay sa Quezon City kahapon ng hapon.

Nabatid na dakong alas-dos ng hapon ng subukan siyang gisingin ng kanyang anak ngunit hindi na nagising.

Taong 1967 nang maging kinatawan ng Pilipinas si Gomez sa Miss World beauty pageant.

Naging kontrobersyal si Gomez noon nang sumapi sa communist guerrilla movement laban sa pamahalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Pagkatapos ng Edsa People Power Revolution noong 1986 nakilala si Gomez dahil sa kanyang pakikipaglaban para sa karapatan ng mga kababaihan.

Si Gomez ay isa sa mga nagtatag ng Kaiba women’s party. Sa ilalim nito ay tumakbo siya sa pagkasenador ngunit natalo noong 1987.

Taong 1995 nang tumakbo siya sa pagka-kongresista sa ikalimang distrito ng Maynila, ngunit muli siyang nabigo.

Ang kanyang labi ay nakahimlay sa Funeraria Paz sa Manila Memorial Park.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply