Makati, tinanghal na ‘retirement friendly city’

ITINANGHAL ang Makati bilang “Most Retirement and Ageing Friendly City” ng Philippine Retirement Agency.

Ito’y matapos makasunod ang lungsod sa Age Friendly City Criteria ng World Health Organization na pangalagaan ang retiradong residente sa pamamagitan ng mga benepisyo gaya ng libreng panonood ng sine, hospitalisasyon, bi-annual allowance ng mga senior citizen na pinagtibay ng ordinansa, pagbibigay ng trabaho sa mga may edad na, partisipasyon ng mga senior citizen sa mga proyekto at gawaing sibiko ng lokal na pamahalaan, libreng saklay, salamin at mga pangangailangan ng mga matatanda,  libreng gupit, libreng masahe, blue-card benefits at cash gifts tuwing kaarawan at pagpapalibing.

Ayon sa PRA, pinakamaraming dayuhang retiree ang naninirahan sa Makati kung saan 80 percent ay mula sa Asia tulad ng mga Chinese, Japanese, Koreano atb.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply