Malacañang: Mundo ng ASG, lumiliit

PATULOY na lumiliit ang mundo ng Abu SAyyaf group (ASG) dahil sa ginagawang pagtugis ng mga awtoridad, ayon sa Malakanyang.

“We condemn the attack on these innocent civilians. We understand that there were six casualties—five of whom are employees of the rubber plantation. The information that we have now is that the investigation is underway conducted by the PNP in that area while the AFP will continue to provide support by way of securing the area and other details that I cannot divulge at this time,” ayon kay Undersecretary  Abegail Valte.

Nauna rito, sinabi niya na masusing iniimbestigahan ang nangyaring pag-atake subalit ayaw namang kumpirmahin ni Valte kung miyembro nga ang mga ito ng ASG.

“The investigation is ongoing until such time that there is a definitive determination of the identity of the attackers or if they are identified with any group,” ani Valte.

Sa ulat, 6 ang kumpirmadong patay habang 22 naman ang  sugatan nang tambangan ng ASG ang mga biktima.

Sa report ng Joint Task Force Basilan, nangyari ang pananambang pasado alas-5:40 kahapon ng umaga sa Basilan Circumferential Road sa Barangay Sapah Bulak habang patungo ang mga biktima sa kanilang trabaho sakay ng  apat na truck kung saan isang unit ng militar ang escort ng mga biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply