Malakanyang atat sa kontra-SONA ni Cayetano

ATAT na ang Malakanyang na marinig ang pagsasapubliko ng kontra-SONA ni Senator Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, na mas makabubuting hintayin muna ng publiko ang nasabing kontra-SONA ng senador bago pa sila magbigay ng reaksyon dito.

“OK, allow me to comment first on the report that Senator Cayetano will end up on the administration slate—that I will not comment on. I will just wait for the administration to announce its slate for 2013. On the first part of the question with regard to the kontra-SONA that will be delivered by Senator Alan Peter Cayetano, una po, hintayin na lang natin. Pangalawa, sinabi na rin naman po ni Senator Cayetano na kahit kontra-SONA po ‘yung technical term, hindi po ‘yun ‘yung intensyon. Ang pananaw daw po nila dito ay paraan para matulungan ‘yung administrasyon at hindi po para hatakin ito pababa. So hintayin na lang po natin ‘yung magiging kontra-SONA ni Senator Alan Peter Cayetano,” ayon sa opisyal.

Sa kabilang dako, no comment din ang Malakanyang sa naging pahayag ni Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, miyembro ng CBCP permanent council na kailangang magkaroon ang Pilipinas ng isang oratio imperata o obligatory prayer na mabisang paraan upang gisingin ang natutulog na konsensya ng mga mambabatas na nagsusulong na maibatas ang Reproductive Health Bill.

“Malinaw po na hindi po sang-ayon sa abortion ang Pangulong Aquino. Paulit-ulit na po nating sinabi ‘yan. Una, bawal po ‘yan sa ating batas at ang paniniwala po ng Pangulong Aquino ay laban po sa—naaayon laban sa abortion. Doon naman po sa kanilang panawagan to their faithful, that is something that they make as to their flock. Kumbaga po ‘yung panawagan po nilang ipagdasal, obligatory prayer, wala na po kaming komento doon dahil meron naman po tayong separation of Church and State. Hindi na tayo magbibigay ng komento doon po sa kanilang panawagan. But as far as the Responsible Parenthood Bill is concerned, naniniwala po tayo na ‘yung limang puntong paninindigan ng Pangulong Aquino doon sa isyu na ito ay nailagay naman po natin nang maayos doon sa naisumite po nating bersyon doon sa LEDAC,” ang pahayag ni Usec. Valte.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply