Malakanyang: Cha-cha hindi prayoridad

TILA napahiya si Senate Pres.Juan Ponce-Enrile matapos dedmahin ng Malakanyang ang hirit nitong Charter change (Cha-cha) upang mas lalo pang mapalakas ang pagbabantay sa teritoryo kabilang ang West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nananatili ang kanilang posisyon na hindi prayoridad ang Cha-cha.

Matatandaang tinuran ng mambabatas na kailangang maamyendahan ang Saligang Batas para maging prayoridad ang military sa budget allocation.

Sinabi ni Senador Enrile na nakadepende sa Pilipinas ang solusyon laban sa pambu-bully ng China at dapat palakasin ang seguridad sa mga teritoryo,

Para naman kay Sec. Lacierda, mas maraming bagay ang dapat pagtuunan ngayon ng pansin imbes na pag-amyenda sa Konstitusyon.

Binigyang diin nito na edukasyon ang may pinakamalaking pondo batay sa Saligang Batas at naniniwala si Enrile na katangahan kung hindi ito magawan ng paraan.

“What we are doing right now is to create a minimum defense position right now. That’s why we are acquiring military hardware. So that part we are going to do. We are in the process of doing (it) right now. We have not made any discussions right now on Charter change. The President has made his position very, very clear on that point with respect to Charter change,” diing pahayag ni Sec. Lacierda.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply