Malakanyang pinalagan si Trillanes

PINALAGAN ng Malakanyang ang kaalyado sa Senado na nagsabing hindi dapat parusahan si retired Brig. Gen. Jovito Palparan Jr. sa mga krimeng kinasangkutan nito dahil sumunod lamang ang huli sa ipinag-utos ng kanyang Commander-in-Chief na noon ay si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang katwiran ni Presidential spokesman Edwin Lacierda, may karapatan si Palparan na suwayin ang ipinag-uutos noon sa kanya ni Arroyo kung batid niyang immoral order ang mga iyon.

“I think a person of authority should follow the moral precepts, he’s certainly aware of the moral precepts of an order. If he feels that an order is immoral he has the individual decision to disobey an immoral order,” ang pahayag ni Sec. Lacierda.

Nauna rito, sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV na hindi dapat bigyan ng kaparusahan si Palparan dahil sinunod lamang nito ang kanyang Commender-in-Chief.

Si Palparan ay patuloy na nagtatago sa batas matapos masangkot sa pagkawala ng dalawang aktibistang estudyante noong 2006.

Si Trillanes – na nasa Nacionalista Party kung saan ay kaalyado ng Liberal Party  ni Pangulong Aquino ay  nagpahayag na hindi siya sang-ayon na parusahan si Palparan.

“You mean to say Palparan should not be held accountable because he’s just following orders?” diing pahayag ni Sec. Lacierda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply