M’cañang sa makakaliwa: Magpakita ng ebidensya

HINAMON ng Malakanyang ang mga makakaliwang grupo na maglabas ng matibay na ebidensya hinggil sa pagsasangkot ng militar sa pagpatay sa Dutch missionary na si Willem Geertman sa Pampanga.

Nauna nang sinabi ng grupong Bayan at Karapatan na matagal na hinaharass umano ng militar ang nasabing dayuhan dahil inaakusahan itong opisyal ng komunista.

“It will be good for them if they can produce evidence. And if there are evidence to support that then it will be investigated,’ ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Sinabi pa ng opisyal na madali lang mang-akusa pero dapat may kasama itong ebidensya.

Aniya,  lahat naman ng anggulo ay iimbestigahan ng mga awtoridad kaya’t hindi dapat basta nagbabato ng putik ang mga militante kung walang katibayan.

Base sa imbestigasyon, lumalabas na nagpanggap o nagpakilalang pulis ang suspek sa krimen para makapasok sa subdibisyon kung saan naroon ang tanggapan ng biktima.

“And if there are evidence to support that then it will be investigated. One important thing is you just don’t throw mud at people, you have to really produce proof of that and let them come out. And if sabihin po kay DILG Secretary (Jesse) Robredo, and Secretary Robredo will investigate all angles. That’s not a problem with this government as long as you can produce evidence. You just don’t accuse someone and allege something without basis, and if there is basis, then go ahead and inform the task force of the various alleged harassment activities against the Dutch worker. And this government will investigate any and all angles if there are any proof to all and any of those accusations,” ayon kay  Sec. Lacierda.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply