Malakas na pag-ulan sa MM epekto ng Habagat, ALPA

NAGDULOT ng malakas na pagbuhos ng ulan ang pinagsanib na epekto ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat at ng isang active low pressure area (ALPA) sa ilang parte ng Metro Manila at sa ilang lugar na malapit dito simula nitong kagabi, ayon sa ulat kaninang umaga.

Sinabi ng PAGASA na ang southwest monsoon at active LPA ay partikular na eepekto sa silangang bahagi ng central at southern Luzon.

Huling namataan ang aktibong LPA sa layong 320 kilometro silangan hilaga-silangan ng Casiguran, Aurora.

Kapag ang active LPA ay naging isang cyclone, papangalanan itong “Ferdie.” Magiging isang ganap naman itong tropical depression kapag ang taglay nitong lakas na hangin ay umabot sa 55 hanggang 64 kilometro bawat oras.

Samantala, sinabi ng PAGASA na ang Visayas at Mindanao ay makararanas ng pag-ulan sanhi rin ng southwest monsoon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply