Malakihang rally sasalubong sa nalalabing termino ni PNoy

NANAWAGAN ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa taumbayan na harapin ang nalalabing apat na taon termino ni Pangulong Aquino sa paglulunsad ng malakihang kilos-protesta.

Sa isang pahayag maraang ipagdiwang ni Pangulong Aquino ang ikalawang taon nito sa Malakanyang, sinabi ng rebolusyonaryong kilusan na dapat magsagawa ang mamamayan ng mga malalakihang pagkilos upang mapigilan ang pamahalaan na magpatupad ng mga tinawag nitong maka-dayuhan, laban sa taumbayan at mapanupil na mga patakaran.

Naniniwala rin ang CPP na ang mga nalalabing taon ni Pangulong Aquino sa burukrasya ay katatampukan ng patuloy na pagiging sunod-sunuran umano sa dikta at kagustuhan ng Estados Unidos upang maisulong ang interest ng dayuhan sa Pilipinas, partikular na ang mga kumpanyang nagmimina ng likas na yaman ng bansa.

“With Aquino’s outright and all-out subservience, the US government has been able achieve big strides in its declared shift in geo-political priorities where it seeks to distribute 60% of its overseas military forces in various parts of the Asia-Pacific region under its so-called American Pacific Century,” pahayag pa ng CPP.

Sinabi pa ng  grupo na pinayagan umano ng Aquino government ang pamahalaang Amerika na magsagawa ng mga kontra-gerilya at paninitik na operasyon sa Pilipinas at aktibong lumahok sa ginagawang military operations Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon pa sa CPP, palagi umanong ginagamit na isyu ng Pilipinas ang usapin sa South China Sea upang mabigyan-katwiran ang pananatili sa bansa ng mga sundalo at kagamitan pan-digma ng Estadios Unidos.

Iginiit pa ng mga rebelde na palpak umano ang pamahalaang Aquino na tugunan ang lumalalang problema ng kawalan ng trabaho, kawalan ng lupa, maliit na pasahod, pagsirit ng presyo ng mga pagkain, gamot at iba pang batayang produkto at serbisyo.

“Bingi rin ang pamahalaan na tugunan ang karaingan ng mga nagsasaka na ipatupad ang tunay na reporma sa lupa at ang panawagan ng mga manggagawa na isulong ang pambansang industriyalisasyon at sa halip ay pinagtutuunan ng pansin ang pagsusulong ng programang nakabatay sa dayuhang pangungutang at dayuhang capital,” dagdag pa ng CPP.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply