Malapit kay PNoy, bawas puntos sa CJ post

KABAWASAN ng puntos para kay Iloilo Rep. Niel Tupas Jr. ang isang rekomendadong opisyal sa pagka-chief justice kung ito ay malapit kay Pangulong Aquino.

Ito ang tahasang sinabi ni Tupas sa isang panayam sa telebisyon.

Aniya, mahalaga para sa kaniya ang “independence” ng isang nominado bukod pa  sa mga katangiang dapat taglayin gaya ng provity at integrity.

“Importante para sa akin ang independence,” ayon kay Tupas, chairman ng House Committee on Justice at chief prosecutor sa nagdaang impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona.

Kinumpirma rin ng kongresista na bibigyan ng tig-iisang oras ng Judicial and Bar Council (JBC) kung saan siya miyembro ang bawat nominado upang magisa.

Inihayag din nito na kaalinsabay ng kanilang pagpasok sa nominasyon ay ang paglagda sa isang waiver upang bigyang daan ang pagsilip sa kanilang mga bank accounts.

Maging ang statement of assets, liabilities and networth (SALN) ng bawat nominado ay kailangang iltantad sa JBC sa pagsasabing ito ay “for our eyes only.”

Kabilang sa mga kilalang malalapit kay Pangulong Aquino ang tumanggap na ng kanilang rekomendasyon na mapabilang sa nominasyon o shortlist ng JBC ay sina Justice Secretary Leila de Lima at acting Chief Justice at Associate Justice Antonio Carpio.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply