Prayer rally ng CBCP vs RH bill kasado na

HANDA na ang gagawing malawakang prayer rally tatlong araw bago ang gagawing botohan sa mababang kapulungan ng
Kongreso sa kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) Bil na pangungunahan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Base sa pahayag ni CBCP president at Cebu Archbishop Jose Palma, nakatakdang isagawa ang prayer rally sa Agosto 4 sa Edsa Shrine at Cebu upang isatinig ang pagtutol nila sa  RH Bill.

Iginiit pa ng CBCP, hindi ang RH Bill ang sagot sa lumalalang problema ng kahirapan sa bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply