Male singer pinagbibigyan ng pamilya dahil sa malalang sakit

MASAYA ngayon ang male singer na ‘to na sumikat noong early 90s dahil nakakapag-guest na siya sa mga programa sa telebisyon at nakagagawa ng mga shows abroad at maging sa ating bansa. Dati kasi nababantilawan siya ng kanyang kadugo at ito ang napapansin ng mga promoter at siya ay curtain-raiser na lamang nito. Subalit ngayon ay pinabalik na sa US ang huli para makabuwelo itong dating sikat na singer.

Pero isang text message ang natanggap namin mula sa listener namin sa Star Na Star’s program nina Pete G. Ampoloquio, Jr., Peter Ledesma kasama ang inyong lingkod sa DWIZ. Nung una, hindi namin pinansin ang mensahe dahil kilala namin ang singer na ‘to.

Nakita namin siya kulang-kulang isang taon na ang nakararaan at okey naman siya. Sabi pa nga nito, gumaling ang malala niyang mga sakit dahil sa herbal medicine na iniinom niya. Iyon nga lamang, may kapayatan siya at malakas pa ring uminom ng beer kahit may sakit siyang diabetes.

Anyway, ang tsikang natanggap namin, kaya raw pinabalik sa ibang bansa ang kamag-anak na singer ay dahil nade-depress nga itong una at natatabunan siya sa eksena. Kailangan daw laging masaya ang mang-aawit na ‘to dahil sa malalang sakit nito na bumalik ulit at delikado para sa kanya.

Kukumpirmahin namin sa kanya ang balitang ito kung totoo ito. Ngunit kung sadyang itinatago nga ito ng kanyang pamilya, wala tayong makukuhang sagot tungkol dito.

***

Ai-Ai alaga pa rin ni Kuya Boy

AI-AI delas Alas recently signed a three year-four picture contract with Star Cinema. She signed the contract in the presence of Boy Abunda, Malou Santos, and Charo Santos-Concio.

Ai-Ai has done several films with Star Cinema including Ang Tanging Ina, Pinay Pie, Volta, Ang Tanging Ina N’yong Lahat, BFF: Best Friends Forever, Ang Tanging Pamilya: A Marry Go Round, and Ang Tanging Ina Mo (Last na ‘To!).

She attributes her achievements to God. “Ang dami ko talagang dapat ipagpasalamat sa Diyos. Thank you rin sa ABS-CBN at Star Cinema sa kanilang patuloy na pagtitiwala sa akin. I’m very happy to be given this opportunity to sign another three-year contract with Star Cinema. Mas lalo ko pang pagbubutihin ang aking trabaho para masuklian naman ang pagtitiwalang ibinigay ng lahat sa akin. Salamat din sa aking mga fans na patuloy akong sinusuportahan. So tuloy ang aking pagbibigay ng ligaya with my future projects,” says the Comedy Queen.

Ai-Ai delas Alas is a Backroom artist. For inquiries, call Backroom at 4351108 and 4351120 or email at backroominc@hotmail.com

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply