Mall supervisor todas sa riding in tandem

NAMATAY ang isang mall supervisor makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa General Santos City.

Sa report mula sa Lagao Police Station, kinilala ang biktima na si Richard Sepe 37 taong gulang, residente ng Isulan Sultan Kudarat at pansamantalang nakatira sa may Diaz Subdivision, Barangay Lagao.

Sa report, ito na ang ikalawang kaso ng pamamaril sa General Santos CIty sa unang linggo pa lamang ng buwan.

Nabatid na pauwi na sana ang biktima nang pagbabarilin habang naglalakad papasok sa kanilang subdivision.

Sinundan umano ng dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo ang biktima habang naglalakad.

Bumaba ang back-rider at pinagbabaril ang biktima gamit ang kalibre 45 pistola.

Apat na tama ng bala ang tumama sa biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nadala pa sa ospital ang bitkima ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Iniimbestigahan pa ng awtoridad ang motibo sa pananambang sa biktima at pinaghahanap na rin ang mga suspek sa pagpatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply