Mangingisda tinamaan ng kidlat, patay

NATUSTA nang buhay ang isang mangingisda matapos tamaan ng kidlat habang pasakay sa kanyang bangka sa Palawan kahapon ng hapon (Hulyo 30) .

Idineklarang dead on arrival sanhi ng tinamong third degree burn sa buong katawan ang biktima na nakilala lamang na Edmundo, 62-anyos.

Sa ulat na nakarating sa PNP headquarters sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-3:30 nitong Lunes ng hapon sa isang isla sa Busuanga town.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumabas na pasakay na sa kanyang bangka ang biktima nang biglang tamaan ng kidlat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply