Maralita magtitirik ng barikada vs demolisyon

NAKAAMBANG magtirik muli ng barikada ang mga maralitang naninirahan sa Lungsod ng Quezon partikular sa BIR Road Brgy. Central, Q.C. at sa Sct.Tuazon, Brgy. South Triangle, laban sa nakatakdang demolisyon sa kani-kanilang lugar.

Mariing tinututulan ng mga residente ang nagbabantang demolisyon sa kanilang mga kabahayan sa Sitio San Roque, Brgy. Pagasa sa Agham Road at BIR Road, Diliman, QC.

Ayon kay Val Demayuga Public Information Officer (PIO) ng Kadamay na mariing tinututulan ng mga maralita  ang nakatakdang demolition sa kanilang mga kabahayan para bigyang daan ang Quezon City Central Business Development Ordinance na labis na maaapektuhan ang may 24, 000 pamilya sa lungsod.

Binatikos din ng Kadamay si QC Mayor Herbert Bautista dahil sa pagpapahintulot sa naturang proyekto na QCCBD.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply