Marami ang makikinabang

SINO ba ang ayaw ng mapayapang pamumuhay?

Malamang silang mga wala nang saysay ang buhay lang ang magsasabing gusto nila ng magulo at walang katiwasayan na buhay.

Kaya naman, kapag tuluyang naselyuhan ang ongoing negotiations sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front at gobyerno, hindi lang Mindanao ang makikinabang kundi ang lahat.

Kailangan lang ng tiwala sa isa’t isa. Maaaring sa ngayon ay masalimuot pa ang proseso, pero naniniwala tayo na pasasaan ba at makakamit din ang nag-iisa nating mithiin—ang kapayapaan.

-000-

Mula nang maluklok sa pwesto si PNoy, naging pra-yoridad na niya ang isulong ang peace talk sa MILF. Ito ay dahil naniniwala siyang mas magiging magaan ang takbo ng gobyerno kung ang lahat ng Pinoy ay nagkakaunawaan.

At ang pitong buwan na pagsusulong sa usaping ito ay pahiwatig lamang na may mangyayaring positibo.
-000-

At kapag tuluyang nagkasundo ang MILF at pamahalaan, malaking bagay din ito para sa ARMM. Higit na magiging bukas ang kapayapaan lalo na at sa ngayon pa lang ay isinusulong na rin ni Gov. Mujiv Hataman ang “transparent” na pamamahala rito.
Bukas na komunikasyon, malinis na halalan at matapat na mga kawani ng pamahalaan.

Kung ang ARMM ay nagawang ituwid ang ilang taon din na baluktot na raan, mas magiging madali rin ang pagkamit ng pangkalahatang kapayapaan kung magkakaayos ang MILF at gobyerno.

Kapag wala ang takot sa isang lugar, siguradong mayaman na  ekonomiya ang magiging bunga. Mas darami ang darayo sa bansa at daragsa ang mga investor na hangad ay hindi lamang ang kumita kundi ang makaranas din ng walang kinatatakutang banta sa buhay.

At kapag may maayos na ekonomiya, walang Pinoy ang maghahangad na manggulo pa kung maayos ang kanilang pamumuhay.

Karugtong din ng pagkakasundong ito ang pag-usbong ng matitinong lider. Mga lider na hindi na kuwestyunable ang mga intensyon sa kanilang nasasakupan, dahil wala nang baluktot na ipinaglalaban.

Kaya hindi man ngayon, positibo tayong baka bukas lang ay abot kamay na ang hinahangad ng lahat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply