Mariah Carey bagong American Idol judge

ANG DIVA na si Mariah Carey ang bagong American Idol judge.

Ito ay matapos na malagasan ng dalawang judge ang American Idol nang umalis sa programa ang dalawang judge na sina Jennifer Lopez at Steven Tyler.

Balitang naisara ang deal sa halagang US$17 million. True kaya itecth? Baka naman higher?

Magugunitang ilang beses na naging mentor si Mariah sa ilang nakalipas na season ng singing search program kung saan inawit ng mga Idol Hopefuls ang kanyang mga pamatay na hit songs.

Sa ngayon, sina Mariah at Randy Jackson (may ulat na hindi lalayasan ni Randy ang Idol) ang judge sa AI. Abangan natin kung sino pa ang dalawa (May balita ring lumabas na si Miley Cyrus ang isa ngunit hindi pa kumpirmado. Pantapat daw si Miley kay Demi Lovato na nasa X-Factor naman).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply