Marian super busy sa trabaho, di kaya magreklamo si Dingdong?

BUKOD sa regular show niya tuwing Sunday, ang Tweets for My Sweet, may posibilidad na maging super hectic ang sked ng soap opera queen ng GMA 7. Balitang sabay na papasok ngayong August ang shooting ng Hanggang Ngayon ng Regal at ang bagong soap opera niyang pang-primetime. Di kaya magreklamo ang bf niyang si Dingdong Dantes?

Sabi’y okay naman kay Marian ang maraming trabaho. Tutal, nakabakasyon siya ng ilang buwan din pagkatapos  ng soap na My Beloved. Nakarating nga sila ng kanyang sweetheart na si Dingdong Dantes sa Spain para dalawin muli ang kanyang amang Spaniard na roon na ninirahan.

Sa Tweets ngayong Sunday, panibagong kakulitan ng mga characters ang mag-uusbungan sa istorya. Pero sa bandang huli, mapagtatagumpayan ni Marian ang anumang problemang pumasok sa kanyang buhay sa nakatutuwang dramedy show na mapanonood pagkatapos ng 24 Oras Weekend Edition. Kasama ni Marian sa show sina Nova Villa, Roderick Paulate, Barbie Forteza, Elmo Magalona at ang nakatutuwang si Sheena Halili. Si Uro dela Cruz ang director ng show.

000

Julie Anne San Jose at Lexi Fernandez magbabanggaan dahil kay Elmo Magalona sa Together Forever

NGAYONG Linggo, pag-iisipan ni Lexi Fernandez si Julie Anne San Jose na higit pa sa pagiging best friend ang turing kay Elmo Magalona sa youth-oriented drama ng GMA, ang Together Forever.

Full support si Toyang (Julie Anne) kay Ely (Elmo) sa kanyang kauna-unahang gig bilang bokalista ng Overdrive, ngunit may susubok na i-sabotage ang performance ni Ely pero hindi hahayaan ni Toyang na ma-agrabyado ang kanyang parekoy. Bibigyan naman ito ni Shirley (Lexi) ng ibang kahulugan. Feeling ni Shirley, parang higit sa pagiging bestfriend ang turing ni Toyang kay Ely. Shirley confronts Toyang para aminin ang tunay niyang feelings.

000

Sen. Bong Revilla, lilipad sa  Europe para tuklasin ang buhay ng mga ibon roon

HINDI lang kayo mamangha sa old architecture ng Europe na mapapanood sa Kap’s Amazing Stories this week kundi mapapa-wow rin kayo sa ibang buhay ng mga ibon napapadpad sa malamig na lugar ng Eropa.

Maraming kamangha-manghang buhay ibon ang tatalakayin ni Bong na tulad  ng mga sumusunod:

Mga ibon na walang tigil sa paglipad, nagpapatulak sa mainit na hangin… para sa Europa mapadpad! mga kabayong naghahanap ng asawa… Nambubulabog ng mga ibong nagpapahinga! grupo ng ibon- nagsi synchronized flying… para makaiwas makain! Ilog sa Hungary… Pugad ng mga insektongmistulang fairy… kaya mga ibon… mering- merry!

Mga ibong pabling…nag-i-spring cleaning… bago dumating ang darling!

000

Grace Lee, certified Kapatid na

OPISYAL nang Kapatid ang lifestyle at entertainment TV host na si Grace Lee sa ilalim ng News5, ang news and information arm ng TV5. Magiging bahagi siya ng pang-umagang programang Good Morning Club at magiging co-anchor ni Martin Andanar sa Andar ng Mga Balita na mapapanood sa AksyonTV.

Ayon kay News5 head Luchi Cruz Valdes, “Dahil bahagi na siya ng TV5, made-develop pa ni Grace ang galing niya sa iba’t-ibang aspeto ng news reporting. Isa siya sa mga mahahalagang miyembro ng lumalaki pang lupon ng mga news professionals na handang mag-lingkod sa sambayanan.”

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply