Marianita Rivera strikes again sa pagmamaldita!

AKALA namin ay natanggalan na ng sungay itong si Marianita Rivera at tahimik siya.

‘Yun pala, off cam ay tuloy pa rin ang kawalanghiyaan ng ham actress na hinuhulaang wala ng career sa 2013. Dahil hindi matanggap nito at ng kanyang kampo ang magkasunod na taong (2011 at 2012) pagkakapanalo ni Sam Pinto sa FHM bilang No.1 Sexiest Woman of the World, hayun at kung anu-anong mga paninira na naman tungkol sa alaga ni Ms. Claire dela Fuente ang ikinakalat ng mga ito.

Pinalalabas ng aging actress (Marianita) na kaya muling nagwagi si Sam ay dahil may isang very rich guy na matagal ng sumusuporta sa maganda at sexy actress na isa sa mga sikat na alaga ni Ms. Claire dela Fuente.

Eh, ano ngayon kung si Sam ang gustong suportahan ng tinutukoy mong guy, ha, Marianita? Ibig sabihin lang nu’n ay mas marami ang nagpapantasiya sa kanyang beauty compared sa iyo.

Saka tanggapin mo na pang poor third ka na lang dahil obvious na ang kagurangan mo at unti-unti na ring bumabagsak ang iyong popularity. Maswerte ka nga at kahit hindi na nagri-rating ang mga shows mo riyan sa GMA7 ay binibigyan ka pa rin nila ng pabor.

Pero ang tanong hanggang kailan naman kaya? Siyempre kapag lagi nang mangungulelat sa ratings ang mga programa mo, mawawalan na rin sila ng gana sa pagbibigay ng project sa iyo.

Unlike Sam na nagsisimula pa lang ang career kaya matagal pa siyang mananatili rito sa showbiz. Ha’y, naku! Please admit iha na mas sikat na ngayon kaysa sa iyo ang kasama mo sa weekly sitcom mo sa Kapuso Network na si Kusina Master Chef Boy Logro. Get’s mo gyud?

***

Newest pop female rock artist Paula Bianca wagi na sa Tambayan 101.9 FM

TIYAK na magiging proud pa lalo ngayon ang tiyahing mega sikat na TV host singer-actress kay Paula Bianca.

Hindi lang kasi wagi sa Tambayan 101.9 FM ang pamangking si Paula kundi may three nominations pa ito sa PMPC 4th Star Awards for Music. Yes, nominado ang nasabing Newest female Pop Rock Artist sa tatlong kategorya na Best New Female Recording Artist, Female Rock Artist of the Year at Rock Album of the Year naman para sa self- titled album nitong Paula Bianca under Vicor Music kung saan included rito ang kanyang carrier single titled Napakasakit Naman na mula sa original composition ng kilalang hit maker na si Vehnee Saturno, ganon na rin ang mga revivals nito tulad ng Problemang Puso, popularized by Jude Michael, at mula sa hit ng Father and Sons na Miss Na Miss Kita.

Hindi lang ang tinutukoy nating sikat na TV host actress ang proud ngayon kay Paula kundi ipinagmamalaki rin siya ng kanyang mga loving and very supportive parents na sina Sir Dhan C. at Mom nitong si Mrs. Maribel.

Imagine in span of 4 months, marami ng magagandang nangyari sa kanyang singing career at kasama na rito ang magandang sales ng kanyang first album na nagkamit pa nga ng nomination.

Sa September 9 gaganapin ang awards night para sa Star Awards for Music sa Meralco Theater at nakatakdang ipalabas ang delayed telecast nito sa September 19 sa Sunday’s Best ng ABS-CBN 2.

By the way, nais ipaabot ni Paula ang kanyang malaking pasasalamat sa lahat ng fans and supporters na bomoto para siya manalo sa taunang Pakontes ng Tambayan 101.9 na FM Station ng Kapamilya Network.

Sa kanyang nominations sa Star Awards for Music, hindi umaasa si Paula na manalo dahil feeling winner na siya. Pero kung papalarin, higit niyang ipagpapasalamat ang blessing at achievement na ito for her career.

May show pala si Paula sa darating na July 21 sa Zirkoh, Tomas Morato kung saan special guest ang nasabing recording artist sa concert titled BRO’S and BRAS topbilled by Jimmy Bondoc, Duncan Ramos and Luke Mejares.

Ang radio anchor/entertainment columnist na si Kapatid na Jobert Sucaldito ang producer ng show.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply