Marikina ‘di natinag kay bagyong Ferdie

ANO? Ang Metro Manila ay ililipat?

Ito ang nasabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na tanging solusyon sa perennial problems ng Metro Manila tulad ng pagbaha at trapiko.

Nabanggit nya ang Doña Remedios Trinidad at San Ildefonso, Bulacan na kanyang nakikitang bagay na bagay para rito.

Ayon kay Tolentino, ginawa na ito ng Malaysia nang ilipat nito ang administrative capital nito mula Kuala Lumpur sa Putrajaya noong 1999 dahil sa overcrowding at congestion.

Ang Putrajaya na ngayon ang seat of government at may layong 25 kms. mula sa KL.

Ito at iba pang proyekto ng MMDA ang ipiprisinta ni Tolentino sa mga miyembro ng Association of Information Officers in Metro Manila (AIMM) ngayong Biyernes, July 27.

Kung meron kayong gustong ipatanong o komentong nais iparating sa kanya, i-text n’yo lang sa 09184138744 o 09176251963.

* * * * * *

Nasubukan na naman ng Bagyong Ferdie ang kahandaan ng Marikina sa pagtugon sa anomang delubyo at salamat sa lahat ng mga opisyal, kawani at tauhan nito ay maayos naman ang lahat ng preparasyon sa pagbabaha.

Lingid sa kaalaman ng publiko, ang mga empleyado ng city hall ay pumapasok sa trabaho pag umabot sa 15 meters above sea level ang taas ng tubig sa Marikina River at mag-alert level 1 kapag walang pasok ang munisipyo.

Kahit gaano kalakas ang ulan, iiwanan nila ang kanilang pamilya at magre-report sa kani-kaniyang assigned na tungkulin. Nahahati ito sa tatlong shifts para may taong magmamando anomang oras.

Kung ordinary working day mangyari ang alert level 1, uuwi muna ang mga naka-assign sa ibang shifts para makapagpahinga na sila para sa shift nila.

Saludo ako sa sakripisyo ng mga taong ito. Sakripisyo dahil marami sa kanila ang walang overtime pay na natatanggap. Kumbaga, purong public service lang talaga.

Bakit nga ba ganun sa gobyerno? May pinapaborang mga ibang departamento na binibigyan ng overtime pay sa paggawa ng paperwork na hindi nila nagawa sa normal working hours na 8-5pm?

Pero, bakit ang mga ibang empleyado na nasa field tulad ng nasa engineering, emergency services, atbp. na nasa nature ng trabaho nila na lumagpas sa normal working hours – wala?

Bakit pag inefficient at ineffective ang gobyerno-puwede? Baguhin na sana natin ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply