Marikina bridge ang basehan ng water level

PANAWAGAN sa mga kasama natin sa media … mag-ingat po tayo sa pag-report ng Alert Levels na base sa taas ng tubig sa Marikina River.

Ngayong tag-ulan, napansin ko na marami ang nagkakamali sa pag-report ng water level ng Marikina River sa TV, radyo at diyaryo.

Ito ay dahil mali ang pinagbabasehan nila ng sukat ng water level na siya namang basehan ng alert level ng lokal na pamahalaan para sa paglikas ng mga residente sa tabing ilog.

Dapat sa Sto. Niño ninyo tingnan. Ito yung water level gauge (o stream gauge) sa ilalim ng tulay sa bayan mismo ng Marikina – ‘yung tinatawid galing Barangka (Loyola Memorial) papuntang Sports Center  (Marikina Sports Park) sa kanto ng Sumulong Highway at Shoe Avenue.

May iba pang sukatan ng taas ng tubig (stream gauge) sa ilalim ng tulay sa Marcos Highway at sa Tumana. Pero, hindi ito ang pinagbabasehan ng lokal na pamahalaan ng Marikina para sa alert levels nito.

Mahirap kasing magkamali sa pag-anunsyo ng evacuation – mataas ang social cost nito ‘di lang sa pamahalaan ngunit pati sa mga pamilyang lumilikas.

Paano kung may masawi dahil nag-panic?

Ang alert levels ng city hall ay: 15 meters – Alert Level 1 (Warning), 16m – Alert Level 2 (Prepare to Evacuate), at 17m – Alert Level 3 (Evacuate).

Forced evacuation naman ang ipinatutupad kapag lumagpas at umabot na sa 18 metro ang taas ng tubig sa ilog ng Marikina.

Inuulit natin: sa ilalim ng Marikina Bridge sa Brgy. Sto. Niño ang opisyal na basehan ng water level para sa alert levels. Malinaw na po ba?

* * * * * *

Si Pangulong Noynoy Aquino mismo ang maglulunsad ng Project NOAH sa Nangka covered court sa Balubad Settlement Phase 2 sa Brgy. Nangka nitong Biyernes, July 6, 9 a.m.

Kaya tuwang-tuwa ang mga residente dahil ramdam na ramdam nila ang pagsisikap nila Mayor Del de Guzman, Vice Mayor Fabian Cadiz at Rep. Miro Quimbo na maibsan ang pag-alala nila sa pagbabaha.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply